Noong September 16 2017 Mga panahong Awarding nanalo ako ng 100 pesos at kasabay ng certificate of recognition na first place sa board 2 at higit sa lahat nakita ko rin yung crush ko, pero sayang hindi sila ang nanalo kasi masyadong ginalingan ng team blue azlan yung laban ,gayunpaman masaya parin naman sila. Akala ko hindi ko na sya makikita , ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at pangyayari nakita ko sya noong monday sa library kasama nya yung mga classmate nya.Hindi ko alam kung nakita nya ako, pero nakita ko na hindi ko pinapahalatang masaya ako :D .Simula noong Monday hindi ko na sya nakita baka kasi busy sya sa pagrereview sa darating na Midterm o di kaya busy sa kanilang research .Heto stressed kung papaano imamanage ang time ko para magawa ang lahat ng gawain bilang estudyante kagaya ng paggawa ng seminar paper at Pagsagot ng dalawang Field study at pagrereview sa darating na midterm.Gayunpaman, hindi ako sumusuko para sa future ko na maging teacher at tsaka pinoproblema ko pa kung sasali ako sa U-games o hindi , kung hindi ako sasali sayang naman yung opportunity na maging representative ng school at makapag laro ng chess sa Main Campus , ngunit kung sasali ako baka bumagsak ako sa Academic dahil after U-games midterm na at kasabay panon pagpasa ng Chapter I sa research paper para sa seminar at pag pasa narin ng FS3 at FS4 during midterm Week.Kaya ngayon sinusubukan ko ng mag review sa different subject ko dahil balak kong mag take ng ilang midterm exam bago mag U-games ,para pagkatapos ng U-games unti nalang ang itetake ko. Sana pumayag ang mga teacher na kumuha ako ng midterm exam bago mag U-games, kung hindi naman tatapusin ko nalang ang FS3 at FS4 kasabay non yung research paper about distance learning para sa seminar.Nalaman ko ngayong Friday September 22, 2017 na may kasama ako na maglalaro sa U-games sya si Chev na classmate ko nabawasan yung pag-aalala ko dahil may kasama na ako na sumali sa U-games.kahit papaano naging masaya ang Friday ko kasama ang mga kaybigan at classmate ko at dahil narin maganda ang set-up ng seminar ng 4th year mula sa motivation hanggang sa pag deliver ng ilang information about technologies to computing mathematics ng resource speaker at tsaka sa pagbibigay ng pancit" Ang sarap!".Ang dami kong tawa kasama sila Gim,albert,Jhen,lucille, at tina kahit nakakahiya at pinagtitinginan na kami tuloy parin sila sa pag video ng baby shark.HAHAHAHA THANK YOU MGA BES! ;)
Friday, September 22, 2017
"My Story of the week"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Story of The week: Every challenges provide by teachers have a purposes
All requirements and challenges provide by teachers are for the better future in every students and to become a good model to other peop...
-
On Saturday I went to SM national book store for bought materials for demo teaching in teach such as illustration board 3pcs. of brown en...
-
If I will be injected by candor tranquilizers (truth serum, meaning I cannot lie and everything that I will say is the truth) an...
No comments:
Post a Comment