Saturday, October 14, 2017

Story Of the week: "Competition for First Place"



First place ang salitang nagsasabing ikaw ang nangunguna sa lahat.
 Ang salitang nakakaproud dahil may magsasabi sayong nice game!,  Ang galling mo!,Congrats!.
Ang salitang masasabi mong may ibubuga ka sa lahat.
Ang salitang may magandang resulta ang lahat ng pinaghirapan mo.
Ang salitang inaasam-asam ng lahat ng gustong makilahok sa competition.

[Isa ako sa mga taong  naghahangad ng maging first place sa U-games na kung tawagin naming ay “GINTO”.]

Ginto dahil sa palagay ko ay kumikinang ka na parang araw sa lahat,
 Na ikaw ang tinitingala ng karamihan at  nagpapasalamat.
Ngunit sadyang hindi sumasang-ayon ang panahon, na hindi pa ito ang tamang panahon
At nagsasabing ako ay iyong paghandaan at huwag na huwag aabangan.
               
Sa aking paglaban iba ang aking nakamtan at huli ko nalang ito nalaman,
Nagkaroon pala ako ng bagong kaybigan,
Masaklap man ang aking naranasan sa una kong laban,
Nakilala ko naman sila April,Verhel,at carl,
Pati rin sila Buhain, judi ,alexis at buhain, nakasama ko sa chess team.
At higit sa lahat si Sir Robert at si Sir Nickki na nag palibre ng jolibee
At nag comfort sa akin during competition,

Masaya naman ang aming samahan, sa katunayan sabay-sabay  kaming kumain,matulog,  at lumaban
Marami man kaming kalokoha, kapag ang mga lalaki ay nag kwekwentuhan.
Nagkaroon kasi ako ng  kaybigan, babae ang kinahihiligan.
Sa bawat araw na dumadaan, nagkakaroon pa ako ng panibagong kaybigan,
Taga cavite city pa sila nag-aaral,dumayo na minsan sa aming paaralan upang makipag laro lamang.
Dahil sa U-games na aming pinag hahandaan,at kami ay nag tagpo-tagpo sa indang
Sila ay si Brito,Lawrence,twinkle , liza at meron pang iba.

Sa huling araw namin sa indang , kami muna ay nagkasiyahan
Sa pamamagitan ng pingpong na aming pinag pustahan,
at arnis na aming pinaglaroan, at tsaka tekuando aming pinagtripan
Sa loob lang ng quarter kami nagkasiyan,

[Maraming naghahangad ng first place sa competition mula sa classroom,school and university
Upang magkaroon ng experience at makapag uwi ng medalya
Maraming dahilan at kahulugan kung bakit tayo sumasali sa ibat-ibang competition.
Ngunit iilan lang ang nakakaalam na kung bakit nga ba may competition.
Basta ang alam ko  ito ay daan upang mag pursigi tayo sa at paghirapan ang gustong makamtan.Ito rin ang daan upang magkaroon ng bagong kaybigan.Higit salahat ENJOY MO ANG LARO!
“Nasabi nga sa akin ni buhain .Enjoy mo ang laro ,dahil kung mapapasa iyo ang ginto bunos na para sa atin “. Ang mahalaga nagging masaya ka manalo man o matalo.]
               

No comments:

Post a Comment

Story of The week: Every challenges provide by teachers have a purposes

All requirements and challenges provide by teachers are for the better future in every students and to become a good model to other peop...